Pinagbintangang nagnakaw ng CP | MISTER NAGBIGTI
Levi Gonzales
Nov 16, 2018
1 min read
LABIS na depresyon umano ang nagtulak sa isang mister para magpakamatay sa Bgy. Lawigue, Tayabas City, Quezon.
Pasado alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ang wala ng buhay na si Aldrin Cabuyao, 32, walang asawa.
Nakapulupot sa kanyang leeg ang kable ng kuryente saka itinali sa kisame ng kanyang silid. Posibleng dinamdam umano ng biktima ang paratang ng kanyang mga ka-barangay na nagnakaw ito ng cellphone.





Comments