PARALYMPIC GOLDEN BOYS SEVERINO AT GAWILAN, MAY INSENTIBO NA
- BULGAR

- Nov 16, 2018
- 1 min read

MAALIWALAS at naging napakasaya ni 2018 Asian Para Games gold medalist FIDE Masters Xander Severino sa pagtanggap niya ng incentives sa Malacañang.
Naibulsa ni chess wizard Severino ang P2.6M at ayon sa kanya ay malaking bagay ang Republic Act (RA) 10699 sa ilalim ng Sections 3 at “Magna Carta for Disabled Persons.” “Magpapagawa ako ng bahay sa amin sa Silay City,” masayang sabi ng 33-anyos na si Severino. “Malaking bagay sa amin itong batas na R.A. 10699.”
Nakapagtala si Severino ng 5.5 points sa 7 rounds sa individual event. Hindi nakadalo si President Rodrigo Duterte kaya sina Philippine Sports Commission, (PSC) Chairman William Ramirez ang nanguna sa pagbigay ng insentibo sa mga medalists sa Asian Para Games, kasama niya sina Executive Secretary Salvador Medialdea at House Deputy Speaker Pia Cayetano. Malaki ang natanggap si swimmer Ernie Gawilan na nag-uwi ng P4M sa pagkakasilo ng tatlong gold at dalawang silver medals. (ATD)





Comments