top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Para maiwasan ang panloloko ngayong kapaskuhan | Presyo ng noche buena items, hindi gagalaw ayon sa

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2018
1 min read

MAHALAGANG tradisyon sa kultu­rang Pilipino ang noche buena kaya kahit sa susunod na buwan pa ang Pasko ay naglilista na ang iba ng mga iha­handa nila.

Pero, kung ang presyo ng mga pangu­nahing bilhin ay patuloy sa pagtaas, sinigurado ng mga manufacturer ng noche buena items sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi sila magtataas ng presyo hanggang sa kata­pusan ng taon.

Ibig sabihin, hindi kailangang ma­ngamba ang karamihan dahil panigura­dong pasok pa rin ang budget nila sa pagbili ng mga kasangkapan na ihahanda nila sa Pasko.

Kabilang sa mga produkto na hindi gagalaw ang presyo ay sandwich spread, mayonnaise, fruit cocktail na hindi ma­wawala dahil sa fruit salad, pasta na pang-spaghetti o carbonara, keso at keso de-bola.

Gayundin, maging ang panghanda natin sa media noche ay makaliligtas sa taas-presyo basta bumili na bago mata­pos ang taong ito.

Magandang balita ito para sa nakara­rami kaya tiyak na magkakaroon ang lahat ng maligayang Pasko.

Samantala, ang panawagan natin sa mga nagtitinda sa mga palengke ay su­munod na lang sa patakaran at huwag ng dayain ang mga mamimili.

Para sa mga kostumer, maging alerto tayo sa pamimili nang hindi tayo nabi­biktima ng mga pasaway na negosyante.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page