P-Duterte, tinulugan lang daw ang ASEAN Summit, ngek!

NAGTUTULOG lang daw si P-Digong sa ASEAN Summit sa Singapore.
At least, nagigising siya, noh!
◘◘◘
IPINAAALIS ng U.S. ang armas ng China sa Spratlys Island.
Paano kung hindi sumunod?
◘◘◘
MARAMI ang naiinggit kay Manny Pacquiao nang makumbida ito sa Oxford University.
No.1 na naiinggit ay ang mga may doctorate degree!
◘◘◘
MALINAW na wala sa loob ng eskuwelahan ang kadakilaan.
Ang kadakilaan ay nahahasa sa gitna ng lansangan!
◘◘◘
KAHIT si Andres Bonifacio ay mababa ang edukasyon kaysa kay Dr. Jose Rizal.
Pero, siya ang undisputed na lider ng rebolusyon!
◘◘◘
SA relihiyon, ang unang dalawang santong Pinoy ay parehong sakristan.
Bakit naunahan pang maging santo ng “katulong” ang mga pari?
◘◘◘
SA rebolusyon at relihiyon, mas dinadakila ang mga ordinaryong mamamayan.
Sa politika, dinadakila ang mga mandarambong!
◘◘◘
DAPAT pagbutihin ng gobyerno ang non-formal education.
Partikular na sistema at kilalanin ang alternative learning system!
◘◘◘
EXPERIENTIAL learning ang prayoridad ng mga educational system sa mauunlad na bansa.
Sa Pilipinas, nagsisiksikan pa rin ang mga titser at estudyante sa mabahong silid-aralan!
◘◘◘
PUMALAG si National Artist Rio Alma sa pagbasura sa Wikang Filipino mula sa kurikulum sa kolehiyo.
Pangungunahan kaya niya ang “rebolusyon sa wika”?
◘◘◘
KINATIGAN din ng Korte Suprema ang K-12 system.
Tuloy ang raket ng fly-by-night schools!
◘◘◘
MARAMI ang nag-aabang sa pag-aresto kay Madame Meldy.
Sila ang mga taong “nabubuhay sa nakaraan”!





Comments