Kung may karapatan ang may-akda sa copyright ng collective work na libro
- BULGAR

- Nov 16, 2018
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Bilang isa sa may-akda ng libro, mayroon ba akong karapatan sa copyright ng kontribusyon ko para rito? — Nafisa
Dear Nafisa,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Republic Act No. 8293 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code kung saan nakasaad na:
“When an author contributes to a collective work, his right to have his contribution attributed to him is deemed waived unless he expressly reserves it.”
Samakatwid, kung ang akda ay resulta ng collective work, ang karapatan ng may-akda para sa copyright ng kanyang kontribusyon dito ay maaaring mawala kung ito ay hindi niya irereserba.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments