ACES, NAMUMURO NA!


ANGAT na sa 2-1 ang Alaska matapos kaldagin ang Meralco, 104-102 sa Game 3 ng 2018 Philippine Basketball Association, Governors Cup semifinals kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Isang hakbang na lang ang Aces at sasampa na sila sa championship round.
Nagtala si import Mike Harris ng 31 points, 24 rebounds pitong assists para sa Alaska habang tig-17 puntos ang kinana nina Chris Banchero at Simon Enciso.
Hindi nagkaiwanan masyado sa unang dalawang quarters, lamang lang ng anim na puntos ang Bolts, 53-47 sa halftime.
Hindi naman nagpabaya ang Aces, hinigop ang 28-21 bentahe para maagaw ang bandera, 75-74 papasok ng fourth.
Samantala, nasa kukote ng Barangay Ginebra na makahirit ng Game 5 kaya inaasahang itotodo nila ang kanilang lakas pagharap nila sa Magnolia sa Game 4 ng kanilang best-of-five series ngayong alas-7 ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.
Humaba ang buhay ng Gin Kings matapos kalusin ang Hotshots, 107-103 sa Game 3 noong Miyerkules ng gabi sa Araneta Coliseum.
Nakaiwas ang crowd favorite Ginebra na mabokya sa serye, kailangan nilang manalo ulit para magkaroon ng rubber match.
Tangan ang 2-1 bentahe, pakay din ng Pambansang Manok Magnolia na tapusin ang Gin Kings upang hindi na umabot sa Game 5 na alam nilang magiging delikado sila.
Kakapitan ng Hotshots ang import nilang si Romeo Travis kasama ang locals na sina Paul Lee, Mark Barroca, Ian Sangalang at Justin Melton.
Ipananargo muli ni Ginebra coach Tim Cone ang kanyang reinforcement na si Justin Brownlee na nagtala ng career-high 46 points sa kanilang panalo.
Medyo matamlay ang laro ng Gin Kings sa first half, pero biglang uminit ang kanilang opensa sa third.
“We weren’t playing well at all, we were a little bit gigil,” saad ni Cone.
Bukod kay Brownlee, huhugot din ng lakas ang Gin Kings kina Scotie Thompson, Greg Slaughter, Japeth Aguilar at LA Tenorio. (ATD)





Comments