Utol ng basketbolista, nasa It's Showtime na rin… VICE, UMAMING NAKILALA NA ANG PAMILYA NI CALVI
- BULGAR

- Nov 15, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUNG noon ay panay ang tanggi at iwas ni Vice Ganda kapag inaasar siya ng kanyang mga co-hosts sa It’s Showtime, sa episode nu’ng Martes (November 13) ng noontime show ay todo-patol na ito noong nabanggit ang PBA player na si Calvin Abueva.
Sa episode ng It’s Showtime, nahuling magkausap sina Vice at Calvin sa telepono. Ini-reveal din ni Vice na magaling daw magluto ang PBA player.
Well, kaya siguro nasabi ito ni Vice ay dahil ipinagluluto siya ng basketbolista. Para patunayan na magaling magluto si Calvin, sinabi nito sa mga co-hosts ni Vice na magpapadala siya ng pagkain na siya mismo ang naghanda.
Hindi rito natapos ang tuksuhan, dahil habang ini-interview ang isang contestant ng Tawag ng Tanghalan, umamin si Vice na nakilala na raw niya ang pamilya ni Abueva.
Pahabol pa niya na nu’ng Lunes (November 14) ay nasa audience pa raw ang kapatid ni Calvin para manood nang live, pero hindi niya ito sinabi sa kanyang mga co-hosts dahil alam daw niya ang gagawin ng mga ito.





Comments