Search
  • BULGAR

SOLO SA TUKTOK, ASAM NG TORNADOES SA SUPERLIGA


PALALAWIGIN ng Foton Tornadoes ang panalo sa laban nila sa tumamlay na F2 Logistics sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Ang game time ay alas-7 ng gabi mamaya, kung saan pakay ng Tornadoes ang so­long liderato sa prestihiyo­song women’s club tournament.

Samantala, pananatilihin ng Generika-Ayala Lifesavers ang kanilang momentum kontra sa wala pang panalo na Sta. Lucia ng 4:15 p.m. habang ang Smart at Cocolife ay magkakasubukan ng 1:30 p.m. sa torneo na isinasaere ng ESPN5.

Kahit na wala ang twin towers na sina Jaja Santiago at Dindin Manabat dahil sa paglalaro ng mga ito sa Premier League sa Japan, mainit pa rin ang laro ng Tornadoes dahil sa apat na sunod na panalo at saluhan ang Petron sa top standings.

Impresibo ang huli nilang panalo nang dominahin ang seasoned squad ng Smart, 26-24, 25-15, 25-19 na ikinatu­wa ni rookie mentor Aaron Velez na pinalitan si Rommel Abella sa off-season. Pero hindi papepetiks si Velez.

“Honestly, I don’t want to think about our opponent,” aniya, na tila bangis sa bangis ang inaasahang laban sa F2 Logistics squad na nang­galing sa malamyang four-set loss sa Lifesavers noong Martes.

Mainit ding babanat ang Cargo Movers, na dati nang dinomina ang conference sa nakaraang dalawang taon sa bisa ng laro ng veteran crew na sina Cha Cruz-Behag, Ara Galang, Aby Marano at Kim Fajardo sa nakaraang laro.

Sinabi ni Velez na tiyak na si F2 Logistics coach Ramil de Jesus ay maglalabas ng solidong plano para maibalik ang winning track. “I’m sure F2 Logistics will come back stronger, especially since they are coming from back-to-back losses. But we will do our assignment and we will try our best not to be their victim,” ani Velez, na ilalarga rin sina Mina Aganon, Maika Ortiz, Shaya Adorador, Gyselle Sy at Bea de Leon. (MC)

Team Standings:

Petron 4-0; Foton 4-0; F2 Logistics 3-2; Cignal 3-2; Smart 1-2;

Generika-Ayala 1-3; Cocolife 0-3; Sta. Lucia 0-4

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.