Search
  • Joy Repol Asis

Patay sa wildfire 44 na

UMAKYAT sa 44 ang nasawi sa wildfire at 13 labi ang narekober ng mga bumbero sa Northern California.

Aminado ang awtoridad na hirap silang matukoy ang pangalan ng mga biktima dahil hindi na makilala ang mga ito, gayundin, halos buto na lamang ang naiwan sa ilang mga labi.

Naapula ang sunog sa Camp Fire na dahilan ng pagkadiskubre ng mga awtoridad sa mga bangkay.

Samantala, nagpalabas na ng ‘red flag warning’ ang fire department ng Northern California nang sa gayun ay mailikas na ang mga residente na patuloy pang sinasalanta ng malawakang wildfire.

Gumamit na umano ng 20 helicopters at firefighting air tankers habang 3,000 katao ang nagtutulungan sa pag-apula ng apoy.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.