- BULGAR
MGA BAGONG PALAHI, SUSUBUKIN SA WORLD PITMASTERS CUP

ANG pinakahihintay na 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby ay papagitna ngayong araw sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila sa paglalatag ng una sa tatlong magkakahiwalay na 2-stag elimination tampok ang 136 na de-kalidad na sultada na magsisimula ng 10 a.m.
Ang inisyal na grupo ng mga kalahok na maghaharap ngayon ay bahagi ng kabuuang 356 na kumpirmadong bilang ng mga mananabong na magtutuos gamit ang mga bagong palahi na susubukin sa pinakamatindi at pinakasikat na liga ng sabong sa Pilipinas.
Huli sa dalawang World Pitmasters Cup Master Breeders Edition na pasabong sa taon ito tampok ang mga Bakbakan o Digmaan-banded na mga batang tinale, ang siyam na araw na tunggalian ay gaganapin mula Nob. 15 hanggang 25 na kapapalooban ng regular na 9-stag International derby na may entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000 at ang one-day 7-stag big event sa Nob. 18 na may entry fee na P220,000.
Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Sonny Lagon, RJ Mea & Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay itinataguyod ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP.
Sa Nob. 15, 16 & 17 gaganapin ang tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations, susundan ng one-day 7-stag big event sa Nob. 18. Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals. (MC)