Search
  • BULGAR

Kung maaaring i-renew ang lisensiya ng lolong 75-anyos na abogado

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY

Dear Chief Acosta,

Sakitin na ang aking lolo na isang abogado na siyang mayroong notarial services sa aming lugar. Gayunman, nagbigay-awtoridad siya sa akin upang ayusin ang kanyang lisensiya tungkol dito, ngunit, sinabihan akong hindi na ako maaaring makapag-renew nito para sa kanya sapagkat siya ay pitumpu’tlimang (75) taong gulang na ng araw ng renewal. Totoo ba ito? — Vanna

Dear Vanna,

Para sa inyong kaalaman, ayon sa resolusyong inisyu ng Korte Suprema noong ika-13 ng Pebrero 2018, mandato na ang personal appearance para sa pagre-renew ng lisensiya ng mga notaryo publiko na may edad na pitumpu’tlima (75). Maliwanag na sinabi sa resoluyon na:

“B.M. No. 3360 (Re: Appearance of Lawyers Who Are Seventy-Five [75] Years Old and Above Before the Office of the Bar Confidant Prior to Issuance of Clearances for Notarial Commission and for Updating of the Records and Signatures in the Roll of Attorneys).- The Court Resolved, upon the recommendation of the Office of the Bar Confidant, to REQUIRE all members of the Integrated Bar of the Philippines in the active practice of law, whose ages are seventy-five (75) years old and above, to PERSONALLY APPEAR before the Office of the Bar Confidant to update his/her records and/or to sign anew in the Roll of Attorneys for the primordial purpose of protecting the best interest and welfare of the public as well as the integrity, professionalism and membership in the Philippine Bar.” (Binigyang-diin).

Samakatwid, totoo ang sinabi ng inyong nakausap na mandato o requirement na mismo ang inyong lolo na ang magre-renew ng kanyang notarial commission.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalay­say sa inyong liham at sa pagkakain­tindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impor­masyong ibibi­gay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.