Search
  • BULGAR

GINEBRA, UMALAGWA!

BIGLANG nabuhayan ang fans ng Barangay Ginebra Kings matapos nilang kalusin ang Magnolia Hotshots, 107-103 sa Game 3 ng 2018 Philippine Basketball Association Governors Cup best-of-five semifinals kahapon sa Araneta Coliseum.

Halos tameme na ang mga fans ng crowd favorite Gin Kings pero nagbago ang ihip ng hangin sa second half at biglang pinutakte ng kamalasan ang Pambansang Manok Hotshots. Umalagwa ang Hotshots sa unang dalawang quarters matapos nilang kapitan ang 58-42 sa halftime.

Subalit biglang uminit ang opensa ng Gin Kings sa third canto, rumatrat ng 37-23 upang ibaba sa dalawang puntos ang hinahabol, 79-81 papasok ng fourth.

Samantala, nakatakdang basagin ng Alaska at Meralco ang pagkakatabla ng kanilang best-of-five semifinals series pagharap nila ngayong gabi alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Game 3 na, parehong may tig-isang panalo matapos manaig ng Aces noong Martes at muli nilang kakapitan ang kanilang import na si Mike Harris.

Nagtala si Harris ng game-highs na 37 points at 19 rebounds para itaguyod sa panalo ang Alaska.

“We got out of a hole and we’ve now got a best-of-three,” sabi ni Alaska coach Alex Compton.

Nagpakitang-gilas din sina Simon Enciso, Chris Banchero at Javee Casio para sa Aces na halos perfect sa free throw line (20-of-21) kasama ang six-of-six nina Casio at Enciso sa huling isang minuto ng bakbakan.

“That was massive, especially as I think we’re among those in the bottom in the tourney,” patungkol ni Compton sa kanilang FT. Tumikada rin si Enciso ng career-high 23 markers habang si Banchero ay muntik maka-triple-double matapos itarak ang 13 pts., 11 boards at walong assists.

Para sa Bolts, sasandalan naman nila si two-time Best Import Allen Durham kasama ang locals na sina Baser Amer, Chris Newsome at veteran Reynel Hugnatan. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.