Search
  • BULGAR

Bigayan ng bonus, start na!

GOOD news sa mga empleyado ng gobyerno! Si­mula ngayong araw, matatanggap na ang 14th month pay o year-end bonus at kanilang cash gift.

Ayon kay Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, ang year-end bonus ay katumbas ng isang buong sahod habang ang cash gift ay P5,000.

Samantala, batay sa TRAIN Law, ang 13th month pay at iba pang benepisyo, kabilang ang productivity incentives at Christmas bonuses na hindi lalagpas ng P90,000 ay exempted sa tax.

Naglaan ang DBM ng P29.7 bilyong pondo para sa year-end bo­nus ng civilian personnel at panibagong P6.5 bilyon para sa mili­tary at uniformed personnel.

May P5.6 bilyon din para sa P5, 000 cash gift ng civilian personnel at P1.7 bilyon naman para sa cash gift ng military at uniformed personnel.

Bukod sa mga nabanggit na bonus, may productivity en­hance­ment incentive rin na ipalalabas ang DBM simula sa Disyembre 15.

Kaya sa mga tatanggap ng 14th month pay at cash gift, puwede nang simulan ang pamimili ng pamasko pero, siyempre dapat isaalang-alang ang budget.

Sa panahon ngayon na mahirap masabayan ng taas-presyo, kailangang maging wais sa paggastos.

Tandaan ang salawikain, “ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga”.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.