Beybi, himalang nakaligtas | BUNTIS PINANA SA TIYAN, TODAS
- Joy Repol Asis
- Nov 15, 2018
- 1 min read
PATAY ang buntis na ginang matapos panain ang kanyang tiyan sa bayan ng Ilford, east London.
Himala namang nakaligtas ang walong buwang gulang na sanggol.
Isinailalim umano sa emergency caesarian section ang ginang na kinilalang si Sana Muhammad, 35.
Kasalukuyan nang maayos ang kondisyon ng sanggol sa ospital.
Ayon sa asawa nitong si Imtiaz Muhammad, isang 50-anyos na suspek ang umatake sa kanilang bahay at pinana ang ginang sa harap ng lima pa nilang anak.
Kinilala ang suspek na si Ramanodge Unmathallegadoo na nahaharap sa kasong murder.





Comments