Search
  • BULGAR

P-Duterte, paimportante, 3 events sa ASEAN Summit dinedma?

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

PAIMPORTANTE SI P-DUTERTE KAYA 3 EVENTS SA ASEAN SUMMIT, INISNAB —Inisnab ni P-Duterte ang tatlong importan­teng events sa ASEAN Summit na idinaos sa Singapore at ito ay ang ASEAN-Australia Informal Breakfast Summit, ASEAN-Korea Summit at ASEAN Lea­ders Working Lunch na hinost ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.

Pambihira, dadalu-dalo sa ASEAN Summit, tapos iisnabin lang pala ni P-Duterte ang mga importanteng event sa pagtitipong ito ng ASEAN Leaders.

Iyan ang pangulo ng Pilipinas, paimportante sa ASEAN Summit, buwisit!

◘◘◘

SANA SA CHINA NA LANG NAGTU­NGO SI P-DUTERTE AT HINDI SA SIN­GAPORE ASEAN SUMMIT—Kung inisnab ni P-Duterte ang ASEAN-Australia Informal Breakfast Summit, ASEAN-Korea Sum­mit at ASEAN Leaders Working Lunch, maagang dumalo ito sa ASEAN-China Summit.

Patunay ‘yan na sob­rang love ni P-Duterte ang China.

Sana, hindi na lang dumalo sa ASEAN Summit sa Singapore si P-Du­terte at sa China na lang siya nagpunta kasi sa ikinilos niya sa ASEAN Summit ay parang ipinakita niya sa mundo na China lang ang importanteng bansa para sa kanya, boom!

◘◘◘

SEC. BELLO, WA­LANG BILIB SA PINOY ENGINEERS AT ARCHITECTS?—Ang depensa ni Sec. Silvestre Bello III ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa natamo niyang batikos sa publiko tungkol sa nabulgar na Chinese nationals ang karamihan sa mga nagtatrabaho sa Binondo Bridge Proj­ect ay Chinese engineers at architects daw ang mga ito at hindi Chinese laborers.

Ganu’n? Aba, kulang na lang sabihin ni Bello, “walang kuwenta” ang Pinoy engineers at architects kaya Chinese engineers at architects ang kinuha nilang mag­trabaho sa proyektong ito ng Duterte gov’t., tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

PLAKANG NO. 8 NG MGA KONG, IPAGBAWAL NA! —Dapat na talagang ipagbawal ang plate number “8” sa mga sasakyan ng mga kon­gresista kasi karamihan sa mga driver na nagmamaneho ng may ganitong plaka ay feeling hari sa lansangan.

Isang halimbawa ay si Jojo Valerio, na por­ke may plakang “8” ang nakakabit sa minama­neho niyang sasakyan, nang ma-overtake-kan ay binully nito ang babaeng motorista sa Quezon City at sinuntok ang lalaking motorista sa Angeles City, buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.