top of page
Pokwang.jpg

8 buwang buntis na gusto nang sumiping

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2018
1 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 8 buwang buntis sa aming first baby. Gusto kong malaman kung kailan maaaring magtalik ang mag-asawa pag­ka­panganak ng ba­bae? Ayos lamang ba ito kahit caesarean o normal ang panga­nganak? — Mercy

Sagot

Isa sa karani­wang iniinda ng babae ay ang sakit ng ari o ng tahi matapos magsilang ng anak, mapa-normal o caesarean delivery. Episiotomy, ang medical term na ginugunting ang ari ng babae ng OB-Gyne kapag malapit nang lumabas si baby.

Gayunman, makabu­buti kung maghihintay ng hindi bababa sa isang buwan ang mag-asawa matapos manganak ni misis bago muling magtalik.

Karamihan sa health­care providers na iminumungkahi nila na maghintay ng 4-6 linggo bago sumiping si mister dahil kinakailangang pagalingin muna ang tissues.

Gayundin, maaaring mag-iba ang haba ng panahon ng paghihintay depende sa lagay o nararamdaman ng babae sa kanyang katawan matapos magsilang ng sanggol, puwede kasing makasama kay misis kung bibiglain ang pagtatalik.

Gayunman, pinapa­yuhan ang mga mag-asawa na gumamit ng water-based lubricant kapag puwede na muling makipagtalik ang misis na nanganak dahil posibleng hindi pa masyadong kayanin ng katawan ng babae na magkaroon ng sapat na lubrication matapos magsilang.

Iminungkahi ng doktor na mag-ingat sa sexual position dahil puwedeng hindi ito angkop para sa misis na nagpapagaling pa, lalo na kung na-caesarian.

Sakali namang si misis ay nagkaroon ng miscarriage o “nakunan” sa ipinagbubuntis na fetus, dapat pa ring maghintay ang mag-asawa bago muling magtalik para maibsan ang tinatawag na depresyon kapag na­kunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page