Search
  • BULGAR

WILLIAMS NG CLIPPERS, BINIGWASAN ANG WARRIORS SA OVERTIME GAME


MAY tiniradang 25 points si Lou Williams para sa 121-116 overtime win ng Los Angeles Clippers laban sa league defending champion na Golden State Warriors.

Sampung puntos ang nagawa ni Williams sa overtime makaraan na makaungos sa 14 puntos ang Clippers sa 4th quarter. Sa loob ng halos apat na taon, ito ang kauna-unahang home win ng Clippers. Nakatuwang para sa Clippers si Montrezl Harrell sa naiambag na 23 points, pati na rin ang 18 ni rookie Shai Gilgeous-Alexander.

Sa iba pang laro, umiskor si Paul George ng 32 points nang magwagi ang host Oklahoma City Thunder kahit wala si Russell Westbrook para sa ikaapat na sunod na panalo laban sa Phoenix Suns 118-101.

Bumanat si George ng 21 puntos bago ang halftime nang gumawa ang Thunder ng malaking kalamangan na 28 points sa first half.

Sa iba pang laro, pumoste si Joel Embiid ng 35 points, 18 rebounds at 3 assists, upang mamuno sa Philadelphia 76ers sa 124-114 victory laban sa Miami Heat.

Si Embiid ay may 9 games ngayong season at may 30 puntos at 10 rebounds. Wala sa NBA ang nakagawa ng higit pa sa tatlong 30/10 games.

Dumagdag si JJ Redick ng 25 puntos para mamuno sa Philadelphia sa 7th win sa nakaraang 10 laro. Solido ang naging laro ng 76ers mula kay point guard Ben Simmons, ang reigning NBA Rookie of the Year sa 13 points, 7 rebounds at seven assists.

Tumabo si Joe Ingles ng 19 points habang si Rudy Gobert ay may 15 points, 16 rebounds at 3 blocks para ipanalo ang bisitang Utah Jazz sa 96-88 victory kontra Memphis Grizzlies.

Samantala, pitong beses na sumubok, pero ngayon lang nakuha ng Dallas Mavericks ang unang road win ng season nang talunin ang Chicago Bulls, 103-98. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.