VERA CRUZ

NASIPAT n’yo na ba mga tatakbo ngayong araw mga tropang karerista? May pitong magagandang races tayo, magsisimula ng 6:30 p.m. sa Santa Ana park sa Naic, Cavite.
Asintahin n’yo ulit ang mga pili ko at baka magtuluy-tuloy ang linaw ng mata at makaipon na rin ng pang handa sa Pasko hehehe.
Kay Vera Cruz, (10) tayo sa Race 1 magandang pandehado sina Fire Crackers, (3) at Maybe This Time, (8). Pili ko sa Race 2 si Minotaur, (4) habang pamorkas si Sangat Island, (1).
Pamoste na natin si Watermania, (2) sa Race 3 habang pili tayo sa forecast na Weekend Bash, (7) at Spin Move, (6). Sa Race 4 pili tayo kina Jeleina’s Favorite, (2) at Jazz Jewel, (5).
Mahirap na karera ang Race 5 kaya tatlo tayo para malaki ang tsansa na makaiskor sa Winner Take All, kunin natin sina Sunny Side, (5), Joem’s Gal, (3) at Double Sunrise, (4).
Panolo si Ocean Side, (5) sa Race 6, pamorkas si Love Affair, (2). Kursunada ko sa Race 7 sina Board Walk, (8) at Jersy Jewel, (11), panuporta si Edward The Great, (5). Kumpleto na ‘yan mga bossing na karerista, sipatin n’yo na at baka suwertihin ulit tayo ngayon.





Comments