Search
  • BULGAR

Shocking: Produksiyon ng langis sa bansa, babawasan?!

MS. KORINA SANCHEZ / ISYUNG 'K'

NGAYONG bukas na ang Boracay Island, bagama’t, hindi na ito tulad ng kilala nating isla dahil malinis, tahimik at wala ng mga malalaking party sa dalampasigan. Gayunman, minamata na ng Department of Tourism ang susunod na isla na kailangang isailalim sa rehabilitasyon. May basbas na raw sila mula kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay ang Panglao, Bohol, El Nido sa Palawan, Siargao at iba pa. Pero nilinaw ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, na hindi ipasasara ang buong isla na tulad sa Boracay Island. Pagsasabihan lamang ang mga negosyo at establisimyento na hindi sumusunod sa mga patakaran hinggil sa kalikasan. Magiging mahigpit sa pagpapatupad ng mga patakaran, ordinansa at batas pagdating sa kalinisan, sanitasyon at iba pa.

Sa totoo lang, maganda kung magagawa ito. Sino ba ang may gustong pumunta sa maruming lugar, kahit kilala pa? Ang sa atin lang, huwag sanang sa umpisa lang mahigpit, pagkalipas ng ilang buwan ay balik na ulit sa dating masasamang gawain. Aminin natin, may ugali tayong ganyan. Ningas-kugon, ‘ika nga. Sa umpisa lang maganda o masigasig, tapos kinalaunan ay kakainin din ng kaugaliang katamaran sa paglilinis at iba pa.

◘◘◘

Nitong nakaraang linggo, bumaba ang presyo ng gasolina at krudo sa merkado, magandang balita ito, hindi ba? Pero ngayon, pinag-iisipan ng mga bansang may langis na bawasan ang kanilang produksiyon ng langis at isa na rito ang Saudi Arabia. Bumabagsak kasi ang presyo dahil sa sobra-sobrang langis sa merkado. Siguro, noong mataas ang presyo ng langis, marami ang nagtipid.

Ganito ang kapangyarihan ng mga bansa tulad ng Russia at Saudi Arabia, ang dalawang bansang may malalaking supply ng langis. Kapag bumabagsak ang presyo, bawasan ang paglabas ng langis. Kapag tumataas at nababawasan ang paggamit ng gasolina at krudo, dagdagan ang paglabas. Tila gripo na puwedeng buksan at isara lang. Kung itutuloy ng Saudi Arabia ang pagbawasa sa paglabas ng langis baka sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina ang haharapin natin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.