Search
  • BULGAR

Pagkaing epektib na pampababa ng cholesterol

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane,

Mataas ang aking kolesterol subalit, hindi pa ako binigyan ng anumang gamot na pampababa at sinabihan lamang akong umiwas sa pagkaing matataba. Ano ang mainam kainin na pampababa ng kolesterol? — Edgardo

Sagot

Ang pagtaas ng cholesterol ay karaniwang sanhi ng sakit sa puso at altapresyon. Kailangang mapanatili ang normal cholesterol level at mabawasan ang triglycerides (taba) para sa ikagaganda ng kalusugan.

Narito ang ilang sa pinaka­mabuting pagkain para sa mga taong mataas ang cholesterol:

  • Oatmeal — ito ay nagtataglay ng soluble fiber na may kakayahang bawasan ang pagsipsip sa low density lipoprotein (LDL) cholesterol ng dugo. Beta-glucan ang klase ng fiber na naha­hanap sa oats. Ayon sa mga eksperto, ang pag­konsumo ng 20 hanggang 35 gramo ng fiber sa loob ng isang araw ay mabuti sa katawan, lalo na sa mga matataas ang cholesterol.

  • Avocado — masagana ito sa monounsaturated fatty acids na nagpaparami ng HDL cholesterol o good cholesterol. Kinukuha ng good cholesterol ang bad cholesterol sa mga ugat at dinadala ito sa atay upang mailabas sa ating sistema.

  • Nuts — tulad ng walnuts, almonds, hazelnuts, peanuts, cashews at pistachios. Ito ay naglalaman ng monoun­saturated at polyunsaturated fatty acids. Ang pagkain ng 1.5 ounces ng walnuts araw-araw, sa loob ng isang buwan ay magdudulot ng pagbaba sa kabuuang cholesterol (5.4%) at LDL cholesterol (9.3%) levels.

  • Isdang mayaman sa Omega-3 — tulad ng salmon, tuna at iba pang fatty fish ay puno ng Omega-3 fatty acids na kilalang nagpapababa ng triglycerides at LDL cholesterol sa dugo.

  • Soy — ang tofu ay sagana sa protina, Omega-3 at good cholesterol. Wala rin itong LDL cholesterol na bumabara sa ating arteries kung saan nagdudulot ito ng mga seryosong sakit. Ang pagkonsumo ng 25 grams ng soy protein ay kayang pababain ang dami ng bad cholesterol nang 5-6%.

Gayunman, mahalaga pa ring kumonsulta sa doktor upang makapagpakonsulta at maresetahan kayo ng tamang gamot para mapababa ang inyong kolesterol.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.