• BULGAR

Madame Meldy, ginigipit ng pro-Aquino justices?! Hmmm...

KA AMBO / BISTADO

GINIGIPIT si Madame Meldy ng pro-Aquino justices.

As expected!

◘◘◘

SINISISI ni ex-BOC Commissioner Isidro Lapeña ang NBI sa nawawalang 105 container vans.

Bigo ang NBI na mahanap ito!

◘◘◘

ANO na ba ang “ebidensiya” sa “wala”?

Eh, di “wala” rin!

◘◘◘

KAPAG nakita ‘yung “wala”, roon pa lamang may “ebidensiya”.

Ang tawag din ay “meron”!

◘◘◘

HALIMBAWA, walang ebidensiya na mayroong “Diyos”.

Walang “ebidensiya” kaya may naniniwalang “walang Diyos”.

◘◘◘

IYAN ang dahilan kaya dumami ang mga “santo” at “santa”.

Nakikita at nararamda­man kasi ng mga “santo at santa” na mayroong Diyos.

Para sa kanila ay may “ebidensiya” kaya nabuo ang relihiyon ng mga “may Diyos”

◘◘◘

MARAMING naaabsuwelto sa pagkawala ng “salapi ng bayan” kasi mahirap makita ang ebidensiya ng “wala”.

Pero sa matematika na perpektong siyensiya, may pormula para makita ang “wala”.

Ito ay ang iskema ng “substraction”.

Sa pilosopiya, ang tawag diyan ay “deduction”!

◘◘◘

GAMIT ang deduction, mapatutunayang “may Diyos”.

Paano?

Kapag inalis mo ang “matter, energy at iba pa” sa iyong paligid, ano ang matitira?

Ang matitira ay “wala”.

Kung ang natira ay “wala”, ibig sabihin ay “may natira”, ‘yun mismo ang Diyos!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.