- BULGAR
LIFESAVERS, GINULAT ANG CARGO MOVERS SA SUPERLIGA

MALAKING panalo ang iniskor ng Generika-Ayala nang pahiyain ang F2 Logistics, 19-25, 25-22, 25-16, 28-26, para sa unang panalo sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Pinagbidahan ni Patty Orendain ang pag-atake para sa Lifesavers, na siyang nagtala ng 21-24 sa fourth set laban sa disiplinadong Cargo Movers squad.
Tumabo si Orendain ng 18 points at 10 receptions habang si skipper Angeli Araneta ay dumagdag ng 15 markers para ibigay sa Generika-Ayala ang unang panalo sa apat na laban.
“Our hard work really paid off,” ani Generika-Ayala head coach Sherwin Meneses na humugot ng impresibong performance kina Mika Lopez, Fiola Ceballos at Marivic Meneses.
“After three losses, we still kept going. I told the team to just be patient and continue working hard.”
Patuloy niyang pinapaalala sa mga bata na kaya pa nilang humabol kung magsisikap pa ang mga ito. “We know that we will have our time so we didn’t give up,” aniya, at idinagdag na ang malakas nilang service ang nagpasira sa diskarte ng Cargo Movers. “We’re happy that we stuck to our game plan.”
Nakagawa si Michelle Morente ng 14 points habang si Cha Cruz-Behag ay may 11 markers at sina Aby Marano, Ara Galang at Majoy Baron ay may tig- 10 markers para sa Cargo Movers na dumanas ng back-to-back setback. Sumurender din ang F2 Logistics Cargo Movers sa reigning champion Petron sa isang makapigil-hiningang four-set encounter sa nakaraang weekend para lumagpak sa 3-2 win-loss card. (MC)