Lapis o ballpen ni: Aling Toyang
- BULGAR

- Nov 14, 2018
- 1 min read
Lapis o ballpen?
Sa totoo lang, hindi ko alam kung alin sa dalawa dahil ako ay nalilito pa.
Lapis na may pambura
kung saan ang mga isinulat na letra
ay kaya pang mabago at mabura.
Alin nga ba sa dalawa?
Ballpen na pangmatagalan
hindi mabubura basta ‘wag lang matatapunan
ng iniinom na kape habang ako’y
nasa garahe.
Lapis o ballpen?
Mamimili na ako.
Puwede bang pareho?
Dahil pareho ko kayong gusto.
Hindi ko kayang mabuhay nang wala kayo.
Lapis at ballpen, kahit alin sa dalawa palagi ninyong tatandaan na
pareho kayong may halaga.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments