Karo sumalpok sa trak, bangkay tumilapon
LUMUSOT sa nabasag na windshield ng karo ng patay ang sakay nitong bangkay ng lalaki matapos itong maaksidente sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Quezon City.
Kapwa sugatan ang driver ng karo na si Philip Iwarat, 42, at kasama nitong 38-anyos na attendant na si Anthony de Guzman.
Base sa report ng Police Traffic Sector 4 ng Quezon City Police District, binabagtas ng karo ang kahabaan ng Quezon Avenue nang bumangga ito sa isang nakahintong dump truck.
Sa lakas ng pagkakasalpok, nawasak ang harapang bahagi ng karo at nabasag ang windshield nito kung saan dito lumusot ang ulo ng bangkay.





Comments