• A. Servinio

KANINO ANG KORONA NG ISAA, SA SEAHORSES O SA BLUE ROYALS?

SIGURADONG mainit ang aksyon ngayong araw sa pagpa­patuloy ng 10th Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA) Finals sa PATTS College of Aeronautics simula 11:00 ng umaga.

Gagawin ng defending champion Seahorses ang lahat upang manatiling buhay sa serye matapos magwagi ang La Consolacion College-Manila sa unang laro noong nakaraang Biyernes, 63-59, sa LCCM Gym sa Maynila.

Aasa muli ang Blue Royals sa husay ng laro nina Jesse Bardaje, Thurlough Grealy, Paul Harley Dagu­nan at TJ Carino upang maibigay sa paaralan ang kanilang ikalawang tropeo sa ISAA buhat pa noong 2013. Sina Carino at Bardaje ang namuno sa paghabol ng LCCM noong huling quarter ng Game One.

Walang balak mapahiya ang Seahorses sa sarili nilang tahanan kaya dapat lalong umangat at bumawi ang pambatong sina Norman Torreno, Mark Jayson Morada at Leonard Mengoy. Lamang ang PATTS, 57-50, ngunit na-blangko sila sa huling limang minuto ng laro upang umuwing luhaan.

Maliban sa tropeo, ang kampeon ay kakata­wanin ang ISAA sa Philippine Collegiate Champions League NCR Qualifying Games mula Nob. 25 hanggang 27.

Haharapin nila ang mga kampeon ng ibang liga sa unang hakbang upang malaman kung sino ang tatanghaling nag-iisang pambansang kampeon. Samantala, ang defending champion Manila Tytana Colleges at LCCM ang maghaharap para sa kampeonato ng Juniors Division.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.