Search
  • BULGAR

Inirampa sa premiere night, madlang pipol shocked! ALESSANDRA, NAGPA-SEMI-KALBO

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PASABOG na dumating sa premiere night si Alessan­dra de Rossi para sa kanyang pelikulang Through Night & Day na ka-partner si Paolo Contis.

Nagulat ang mga dumalo at mga netizens na naka­kita ng bagong look ni Alex (palayaw ni Alessandra) dahil kalbo o semi-skinhead ito.

Halu-halo tuloy ang naging reaksiyon ng mga net­izens at mga celebrities sa pasabog ni Alessandra. May mga netizens na nagsabing nag-aadik daw yata si Alex kaya nagpakalbo.

Pero sa kabila nito, marami pa rin ang pumuri sa bagong look ng aktres dahil nagmukha raw siyang super model at may nagsabi ring kahit ano pa ang buhok ng aktres ay maganda ito.

Isa rin sa mga nagbigay ng reaksiyon ay ang misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista, na sinabing suportado niya si Alex. Sinabi rin ng kapatid ng aktres na si Assunta de Rossi na proud siya sa ginawa ni Alex.

Ipinost ito ng aktres sa kanyang Instagram account at nilagyan ng caption na: “So, don’t try to stop me now. No, don’t try to stop me now,” na mula sa kantang Underground ni Avril Lavigne.

Pero in fairness, kakaiba rin ang lakas ng loob ni Alessandra para gawin ang hairstyle na ito. Pasabog nga at bagay talaga sa kanya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.