top of page
Pokwang.jpg

Gustong malaman ang epekto ng hindi pagdalo sa mandatory conference

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2018
2 min read

Dear Chief Acosta,

Ano ang epekto kung hindi makada­dalo ang empleyado na nagsampa ng kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC) sa mga mediation kaugnay ng kanyang kaso? — Jane

Dear Janeth,

Para sa inyong ka­alaman, nakasaad sa Section 10, Rule V ng 2011 National Labor Relations Commission (NLRC) Rules of Procedure ang epekto ng hindi pagdalo ng complainant sa mga mandatory conciliation and mediation conference ng NLRC:

“SECTION 10. NON-APPEARANCE OF PARTIES. – The non-appearance of the complainant or petitioner during the two (2) settings for mandatory conciliation and mediation conference scheduled in the summons, despite due notice thereof, shall be a ground of dismissal of the case without prejudice.” (Binigyang diin)

Batay sa nabanggit na probisyon, ang kasong isinampa ng empleyado sa NLRC ay maaaring i-dismiss “without pre­judice” kung siya ay hindi makadadalo sa kabila ng abiso sa kanya sa mga mandatory conciliation and mediation conference na nakasaad sa summons ng NLRC. Ibig sabihin, maaaring pansamanta­lang matapos ang ka­song kanyang isinampa hangga’t hindi pa niya ito muling isinampa sa NLRC sa loob ng panahong maaari pang tumakbo ang kaso.

Kaugnay nito, mai­ging isaalang-alang ang prescriptive period ng mga sumusu­nod na kaso: Tatlong (3) taon para sa money claims alinsunod sa Artikulo 291 ng Labor Code of the Philippines kung saan na­ka­saad na “All money claims arising from employer-employee relations accruing from the effectivity of this Code shall be filed within three (3) years from the time the cause of action accrued, otherwise they shall be forever barred” at apat (4) na taon para sa illegal dismissal alinsunod sa Artikulo 1146 ng Civil Code of the Philippines kung saan naka­saad na “the following actions must be instituted within four years: (1) Upon an injury to the rights of the plaintiff; xxx” Ang mga period na ito ang nagsasabi kung hang­gang kailan lamang maaaring isampa ang mga nabanggit na kaso.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagka­kaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung may­roong karagdagang impor­masyong ibibi­gay. Mas mainam kung personal kayong sa­sangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page