Search
  • BULGAR

DLSU, PAPASOK SA NEXT ROUND, O FIGHTING MAROONS, BIBIRA?


GANAP na makapasok sa susunod na round ang pupuntiryahin ng De La Salle habang makaagwat kontra sa mahigpit nilang kaagaw para sa no. 4 spot na Far Eastern University ang sisikapin ng University of the Philippines sa kanilang pagtatapat ngayong hapon sa UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament.

Ngayong 4:00 p.m. ang bakbakan ng dalawang kopo­nan sa tampok na laban sa MOA Arena sa Pasay kasu­nod ng unang sagupaan sa pagitan ng top seed at defending champion Ateneo de Manila at ng out of contention ng University of Santo Tomas ng 2 p.m.

Taglay ang kartadang 8-5, panalo-talo, pipili­tin ng Green Archers na makabawi sa nata­mong 61-67 na pag­kabigo sa kamay ng Fighting Maroons noong una silang magharap no­ong Set. 30 sa pare­has na venue upang por­mal na ma­katun­tong sa Final 4 kasama ng mga nauna ng semifinalists Ateneo (11-2) at Adam­son (10-3).

Tatangkain ng Fighting Maroons na dugtungan ang naitalang 4-game winning streak, pina­kahuli noong Nob. 10 kontra UST Tigers, 83-69 habang mag­kukuma­hog na maka­ba­ngon sa nakaraan nilang kabiguan kontra archrival na Blue Eagles ang Green Archers noong nakalipas na Linggo sa Araneta Coliseum,62-71.

Magkasalo sa ngayon sa pang-4 na posisyon ang UP at FEU hawak ang markang 7-6, panalo-talo.

Kung ma­na­nalo ay tatabla ang UP sa ikatlong puwesto sa DLSU.

Sa unang salpukan, nakas­isiguro na sa top spot sa Final 4 round, nais pa rin ng Blue Eagles na maipanalo ang huling laro bilang buwelo papasok sa susunod semis sa pagtutunggali nila ng Tigers na hangad na lang maisara ang kampanya ngayong season sa pama­magitan ng pa­nalo. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.