Search
  • ROMA AMOR

Babaeng bet ng magka-boyfriend pero dehins trip ang lalaking nagpaparamdam ng damdamin


Dear Roma,

Gusto kong humingi ng payo tungkol sa lala­king gustong manligaw sa akin. Ako si Reana, 25 years old. Matagal ko nang gustong magka-boy­friend ulit dahil 5 years na nu’ng last akong nagka-boyfriend. May nagpapa­ramdam sa akin ngayon, si Tupe, kai­bi­gan ng pin­san ko, kaya lang hindi ko siya type kasi wala sa kanya ‘yung stan­dards na hinahanap ko sa la­laki. Pero, naisip ko na hin­di na dapat ako magpa­ka-choosy kasi tu­matanda na ako at baka sa pagiging mapili ko, eh, hin­­di na ako tuluyang ma­ka­hanap ng mapapanga­sawa ko. Sana, matulu­ngan ako. Thank you! — Reana

Reana,

Sa totoo lang, sis, ang pag-ibig ay hindi dapat mi­namadali. Kung sa tingin mo, eh, hindi pa siya ‘yung lalaking para sa’yo, choice mo naman ‘yan. Huwag mong i-pressure ang sarili mo para lang masabi mong magkaka-boyfriend ka na. Ang maipapayo namin sa iyo, ipagdasal mo ang lala­king karapat-dapat para sa iyo at makasisiguro ka na siya ang ibibigay sa iyo ni Lord. Gayundin, hindi ma­samang maging choosy lalo na kung deserved mo na­man ‘yun. Huwag kang ma­wawalan ng pag-asa, mag­kikita rin kayo ni “the one”. God bless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.