Search
  • BULGAR

Anti-Palo Bill, lusot na | DADDY AT MOMMY, LAGOT!


APRUB na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang pa­nukala na nagbabawal ng ma­rahas na parusa sa mga bata.

Sa botong 160 na “Yes” at dalawang “No”, inaprubahan ang House Bill 8239 o kilala bilang “Positive and Non-Violent Discipline of Children Act”.

Layon ng panukala na magkaroon ng positibong uri ng pagdidisiplina sa mga bata upang hindi malabag ang ka­rapatan ng mga ito at hindi maging mara­has kapag lumaki.

Kaugnay nito, ang sinumang magpa­patupad ng ganitong parusa ay kaila­ngang agad na isumbong sa barangay officials o sa pulisya.

Kung matindi ang pananakit o pag­papahiya sa bata, maaaring irekomenda ng barangay chairman ang temporary protection order para mapangalagaan ito.

Ang mga lalabag dito ay isasailalim sa seminar sa positibong paraan ng pag­didisiplina, anger management, chil­dren’s rights, counseling at therapy.

Samantala, kung matindi naman ang pagparusa sa bata, maaaring maharap sa kaukulang kaso ang offender sa kri­men base na sa Revised Penal Code.

Ang pagbabawal sa marahas na uri ng disiplina ay bawal hindi lamang sa bahay kundi pati sa paaralan at iba pang institusyon. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.