ABS-CBN, 'pag ipinasara ni P-Duterte, mga DDS na artista, TV at radio hosts nganga!

GOOD NEWS AT BAD NEWS KAY SHARON CUNETA—Tuwang-tuwa si Megastar Sharon Cuneta nang itaas ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kamay ng kanyang kapatid na si Chet Cuneta ng Nationalist People’s Coalition (NPC) noong Nov. 8, 2018 bilang tanda na suportado ng Presidential Daughter ang kandidatura ng kanyang kuya sa pagka-alkalde ng Pasay City. ‘Ika nga, good news ‘yan para kay Sharon.
Pero ang masaklap, kinabukasan, Nov. 9, 2018 ay nagtungo sa Kongreso si Mayor Sara at itinaas din ang kamay ni Pasay City Rep. Emi Calixto-Rubiano ng PDP-Laban na kalaban ng Kuya Chet ni Sharon sa pagka-alkalde ng lungsod. Iyan ang bad news kay Sharon, boom!
◘◘◘
MAY HAWAK BA NA ALAS SINA FAELDON AT LAPEÑA KAY P-DUTERTE?—Sa kabila na sinampahan ng graft case ng NBI sa DOJ si dating BOC commissioner at ngayon ay TESDA Director General Isidro Lapeña kaugnay sa missing 105 container vans, sinabi ni P-Duterte na buo pa rin daw ang tiwala niya kay Lapeña.
Ganyan din ang sinabi ni P-Duterte, na buo pa rin ang tiwala niya kay dating Customs commissioner at ngayon ay BuCor Director Nicanor Faeldon kahit nasangkot ito noon sa shabu smuggling at “tara” system sa Adwana.
Tila yata may “hawak na alas” sina Faeldon at Lapeña laban kay P-Duterte kaya kahit nasangkot na sa shabu smuggling at katiwalian sa BOC ang dalawang ito ay hindi sila magawang tanggalin sa gobyerno ng pangulo at sa halip ang palaging bukambibig ni P-Duterte ay buo ang tiwala niya kina Faeldon at Lapeña, buwisit!
◘◘◘
MARAMING DDS NA TAGA-ABS-CBN, POSIBLENG MAWALAN NG TRABAHO —Plano raw ni P-Duterte na harangin o hindi na pagkalooban ng prangkisa ang ABS-CBN sa 2020 para raw hindi na ito makapag-operate.
Naku, kapag nagkataon pala, maraming DDS (Duterte Diehard Supporters) na radio, TV hosts at mga artista ang mawawalan ng trabaho, boom!
◘◘◘
VK NI ‘RICO’ SA LAGUNA, FRONT NG BENTAHAN NG SHABU — Ginagawang front daw ng bentahan ng shabu ang puwesto ng mga video karera ni “Rico” sa Calamba City at Cabuyao, kapwa sa Laguna.
O, ano Gov. Ramil Hernandez, “nganga” ka na lang ba sa raket ni “Rico”?
Aba, i-request mo na kay Laguna PNP Director Eleazar Matta na “tokhangin” na si “Rico”, dali!





Comments