- BULGAR
Tulad sa petrolyo, mas maraming Telcos, mas pabor sa taumbayan!
KA AMBO / BISTADO
KINASUHAN si ex- BOC Commissioner Isidro Lapeña sa nawawalang 103 container vans ng ceramics.
Bakit, shabu rin ba ang laman nu’n?
◘◘◘
IDINIDISKARIL ng mga natalo sa bidding ang operasyon ng third Telco.
Gustong magpaareglo para mabawi ang “entry fee”.
◘◘◘
TAPOS na ang subasta.
Dapat maglagak ng “billion peso bond” ang nagpoprotesta na bayad sa perhuwisyo.
◘◘◘
DAPAT nang pumagitna si P-Digong.
Para hindi madiskaril ang kanyang plataporma de gobyerno!
◘◘◘
NAGTATAKA tayo kung may kapasidad ba ang “natalong bidder” bilang telecom company, bakit hindi na lang sila gawing 4th Telco?
Bakit kailangang pag-agawan ang “ikatlong Telco”?
◘◘◘
Puwede namang may “4th”, “5th” at “6th Telco.
Kumbaga, open competition ang “Telcos” tulad sa oil industry!
◘◘◘
KARANIWANG naghihintay ng “areglo” ang mga umaapela at nais sigurong “bayaran” sila nang patago.
Modus ito o isang klase ng blackmail na dapat maunawaan ng lahat!
◘◘◘
PINAGKAKAGULUHAN si Heneral ‘Bato’ nang pumunta sa mga lalawigan, kamakailan.
Pero, hindi niya ito inilalabas sa media.
Hindi na sorpresa kapag nagka-‘Bato’ sa Senado!
◘◘◘
WALANG masamang record si ‘Bato’.
At ang no.1 endorser pa niya ay si P-Digong.
Bumibigat na ang laban sa Senado!