Search
  • Jeff Tumbado

Tanod pinatay, isinako, itinapon sa kanal

ISANG bangkay ng la­laki ang natagpuan sa isang irrigation canal sa Gunda­way, Cabarrogis, Quirino.

Kinilala ang biktima na si Marcelino Ignacio, 59, ba­rangay tanod ng Villapenia, Cabarrogis. Nadiskubreng nakasako at may dalawang tama ng saksak sa kanyang leeg ang biktima.

Ayon kay Police Chief Insp. Mario Tulio, posible uma­nong may nakakom­prontang mga suspek ang biktima habang ito ay nag­papatrulya.

Hindi aniya masasabing biktima ng panghoholdap si Ignacio dahil kumpleto uma­no ang kanyang mga gamit nang siya ay makita. Giit pa ni Tulio, na ang placard na nakita sa bangkay ng biktima na may nakasulat na “adik huwag tularan” ay paraan lamang ng mga sus­pek para ilihis ang imbesti­gasyon.

Hinihinalang pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang sa irrigation canal sa Bgy. Gundaway.

Samantala, may hawak nang person of interest ang awtoridad sa naturang kaso.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.