Search
  • BULGAR

SOTTO NG BLUE EAGLETS AT TAMAYO NG BULLPUPS, TULOY ANG BANGIS


BINUKSAN ng reigning champion Ateneo de Manila ang kanilang kampan­ya sa pamamagitan ng 74-61 panalo kontra sa UST noong nakaraang Linggo ng hapon sa pagsisimula ng UAAP Season 81 juniors basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Nagtala si last season Finals MVP Kai Sotto ng 24 puntos, 13 rebounds, 4 blocks at 3 assists habang nagdagdag si Geo Chiu ng 15 puntos at 9 na rebounds upang pangunahan ang panalo para sa bago nilang coach na si Reggie Varilla. Ibinasura ng nasabing panalo ang game high 31-puntos ni Mark Nonoy dahil bigo itong maisalba sa pagkatalo ang Tiger Cubs.

Sa iba pang mga laro, umiskor si Carl Tamayo ng 18 puntos kasunod si Terrence Fortea na may 11 puntos upang pangunahan ang National University sa paggapi sa Far Eastern University-Diliman, 78-70.

Namuno naman si Hen­rie Subido, na­ka­baba­tang kapatid ni Ren­zo Subido ng UST, na may 19 puntos nang ipanalo din ng La Salle Zobel ang unang laban, 66-56, kontra University of the East. Humi­lera rin sa opening day winners ang Adam­son U na na­ma­yani kontra UP Integrated School, 78-66. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.