Pulis binaril sa ulo, todas
DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang aktibong pulis matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakilalang lalaki sa Balayan, Batangas.
Pasado alas-7:00 ng gabi, paalis galing sa resort mula sa outing ng kanilang himpilan ang biktimang si SPO1 Roderick Botavara, nakatalaga sa Balayan, Batangas-MPS nang lapitan ng nakamotorsiklo.
Agad siyang binaril sa ulo bago tumakas.
Nadala pa ang biktima sa pagamutan subalit, binawian din ito ng buhay.
Posible umanong may kinalaman sa kanyang trabaho ang pagpaslang sa biktima.





Comments