Search
  • BULGAR

Plataporma ng mga kandidato ngayon, 'paano sumipsip' kay P-Digong, tsk-tsk-tsk!

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

9.8-M PINOY JOBLESS KASI ANG PANGULO, WALANG PAKIALAM SA EKO­NOMIYA — Sa latest survey ng SWS na sa 3rd quarter ng 2018 ay pumalo na sa 9.8 milyong Pinoy ang jobless o walang mapasukang trabaho.

Mangyayari talaga ‘yan na walang mapasu­kang trabaho ang mga Pinoy kasi parang walang pakialam sa ekonomiya si P-Duterte dahil ang kan­yang pokus ay palaging tungkol sa droga, pagmu­mura sa mga Katoliko at pang-aalipusta sa Diyos at mga santo, boom!

◘◘◘

PAGSIPSIP KAY P-DUTERTE ANG PLATAPORMA NG MGA PRO-DUTERTE CANDIDATES — Ang bukambibig ng karamihan sa mga pulitikong pro-Duterte na nag-file ng kanilang certificate of candidacy kaya raw sila kumandidato ay para kung sakaling manalo ay suportahan ang liderato ni P-Duterte.

Ibang klase na talaga panahon ngayon kasi kung dati ang plataporma ng mga kumakandidato ay para sa kapakanan ng mamamayan tulad ng tungkol sa edukasyon, livelihood, trabaho, kalusugan at pagpapalago ng ekono­miya, eh, ngayon, ang plataporma nila ay pagsipsip kay P-Duterte, mga buwisit!

◘◘◘

LAPEÑA, SABIT NA SA SHABU SMUGGLING, SABIT PA SA MISSING CONTAIN­ER VANS — Sinam­pahan ng NBI ng graft case sa DOJ si TESDA Director General Isidro Lapeña kaugnay sa missing 105 containers ng ceramic tiles noong siya pa ang commissioner ng Bureau of Customs.

Kung ganu’n, hindi lang pala sa P11 bilyon shabu smuggling sabit si Lapeña kundi pati sa mga nawa­walang container vans ng brokers at importers sa BOC.

Iyan ba ang sinasabi ni P-Duterte na matino si Lapeña? Pwe!

◘◘◘

KUBRADOR NINA ‘REY BABA’, ‘SAYBIL’ AT ‘PANGAN’, MGA TULAK NG SHABU SA MAKATI CITY—Pusher din daw ng shabu ang mga kubrador sa bookies at lotteng nina “Rey Baba”, “Saybil” at “Pangan” sa Makati City.

Kaya pala ang daming adik sa droga at sugal sa jurisdiction nina Mayor Abby Binay at Makati Chief of Police Sr. Supt. Rogelio Simon kasi ‘yung mga kubrador ng bookies at lotteng, mga tulak din ng shabu, susmaryosep!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.