Search
  • BULGAR

Negosyante, pinagmumura… KEANNA, KULONG SA PAMBABASTOS ONLINE

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KAHAPON (November 12) nang tanghali, inaresto ang sexy comedienne na si Keanna Reeves dahil sa kasong cyberlibel na isinampa laban sa kanya ng negosyanteng si Nancy Dimaranan.

Noong Agosto pa raw nagsampa ng kaso ang negosyante laban kay Keanna dahil sa pagbabanta at pagmumura nito sa kanya, pero nitong November 7 (Miyerkules) lang daw inilabas ang warrant of arrest.

Inabangan ng Criminal Investigation and Detection o CIDG-Laguna si Keanna sa labas ng tinu­tuluyan niyang condo sa Scout Ybar­dolaza, Quezon City.

Ayon kay Chief Inspector Cyrus Serrano, hepe ng CIDG-Laguna, da­dalhin si Keanna sa Cabuyao para sumailalim sa booking procedure.

Agad namang nagbigay ng de­tal­ye ang sexy comedienne sa PEP.ph patungkol sa kanyang pag­kaka­aresto.

Ipinaliwanag niya na bailable ang kasong isinampa sa kanya kaya makalalabas din siya kaagad.

Aniya, “Wala ‘yun, nagpapasi­kat lang ‘yung kalaban.

“Bailable naman ang kaso at wala kasi kaming natanggap na resolution kaya nagulat ako.

“Pero piyansa lang naman ito, tapos korte na kami.

“Fiscal pa kasi kami noon, tapos ngayon, korte na kami.”

Ayon kay Judge Baculo, P200, 000 ang bail na kailangang bayaran ni Reeves para makalaya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.