Search
  • Pabs Hernandez III

Lola natagpuang patay

PANGASINAN—Isang 85-anyos na lola ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa sa Bgy. Guibel, San Jacinto sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Lourdes Clifford, residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid na isang kapitbahay ni Clifford ang nakatagpo sa bangkay nito sa loob ng kanyang bahay.

Sa imbestigasyon ay napag-alaman ng mga awtoridad na may high blood si Clifford at maaaring ang kanyang sakit ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.