top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahalagahan ng pagtuturo sa kabataan ng tamang disiplina sa kalinisan

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2018
2 min read

AYON sa mga mananalaysay, likas na malinis ang mga Pinoy. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ugali na natin ang magtanggal ng sapatos bago pumasok ng bahay at maghugas ng mga kamay bago humarap sa hapag-kainan.

Sino ba sa atin ang hindi nagnanais ng isang malinis at maaliwalas na kapaligiran? Ang kalinisan ay sumisimbolo ng may disiplina at maunlad na komunidad.

Nakalulungkot lang isipin na may mga tao pa ring kung saan-saan nagtatapon ng kanilang mga basura.

Kahit pa may mga lungsod, institusyon at organisasyon na mahigpit na nagpapatupad ng ordinansa o anumang regulasyon tungkol sa tamang pagtatapon ng basura.

Tulad na lang ng ating ipinatupad na Anti-Kalat Task Force o anti-littering campaign noong 2011.

Binubuo ito ng 10 Environmental Police Officers at pitong spotters na nagbabantay sa mga kalsada upang mapanatili ang kalini­san sa siyudad.

Ang simpleng pagtapon ng upos ng si­garilyo, balat ng kendi o sitsirya, kapalit nito ay ilang oras na oryentasyon bilang penalty sa nasabing paglabag upang mapaalalaha­nan ang bawat isa sa tamang disiplina ng kalini­san.

Magandang simulan ang disiplina sa ating mga tahanan at marapat na gawin din sa paaralan. Ituro ng simple sa kabataan ang kahalagahan ng kalinisan, disiplina at higit sa lahat ay respeto sa ating kapaligiran.

Patuloy nating pinalalaganap ang ganitong mga kaparehong adhikain kaya ipinatupad ng Department of Education (DepEd) noong 2015 ang “Brigada para sa Kalinisan” kung saan kalahok dito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para pa­igtingin ang programang magpapanatili ng malinis na kapaligiran sa lahat ng mga esku­welahan at kalusugan ng mga batang estud­yante na malayo sa anumang sakit o karam­daman.

Ilan sa mga sumusunod ang kapaki-pa­kinabang na benepisyo ng malinis at mapa­yapang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral:

· Masipag at ganadong tumulong ang mga anak sa kanilang mga magulang.

· Produktibong pagtuturo ng mga tea­cher.

· Malaya sa sakit-karamdaman ang mga estudyante.

· Maayos na gumagana ang iba’t ibang equipment.

· Magandang tingnan ang maayos na mga pasilidad.

· Kampante ang mga magulang na may malasakit ang eskuwelahan sa kapakanan ng kanilang anak.

· Panatilihin sanang buhay ang kultura nating mga Filipino na nagpapahalaga sa kalinisan.

· Matutupad ang ating pangarap na isang progresibong bansa kung mag-uumpisa ito sa ating mga sarili.

Paalalahanan natin ang bawat isa sa mga dapat at hindi dapat gawin at maging mabu­ting ehemplo na siyang tutularan ng kabataan.

Patuloy natin silang sanayin sa tamang pag-uugali ng kaayusan sa bahay, eskuwela­han at pampublikong lugar.

Tiyak na matututunang isabuhay ng ka­bataan ang disiplinang ito hanggang sa kani­lang paglaki.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page