Search
  • BULGAR

HD SPIKERS AT TORNADOES, MATAAS ANG MOMENTUM NG LARO SA PSL


SASAKAY pa rin ang Cignal sa magandang momentum at poposte ng ikalawang diretsong panalo kontra Sta. Lucia sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa FilOil Flying V Center. Ang laro ay 7:00 p.m. at mataas ang morale ng HD Spikers dahil sa five-set victory kontra Generika-Ayala ng nakaraang weekend.

Samantala, pagbawi ng panalo ang pakay ng F2 Logistics kontra Lifesavers ng 1:30 p.m. habang target ng Foton Tornadoes na makasalo ang Petron Blaze Spikers sa tuktok ng standings kontra Smart ng 4:15 p.m. sa prestihiyosong liga. Laban sa Lifesavers, hindi umaatras ang HD Spikers Isang vintage performance ang ibinalandra ni seasoned spiker Rachel Anne Daquis sa bisa ng 20 puntos, 17 digs at 13 excellent receptions habang binabalikat ang laban sa krusyal na 5th set.

Nagparamdam ng lakas si national team member Mylene Paat sa bisa ng 26 puntos sa tuwa ni head coach Edgar Barroga na aniya ang ibang team ay magpupursige rin ng panalo.

“We’re happy that Mylene and Rachel are doing everything they can for the team but we also have to remember that everybody should do their part for us to win,” ayon kay Barroga, na dating team manager nang pagwagian ng HD Spikers ang unang titulo sa Invitational Conference noong 2017. “I always tell them that volleyball is a team sport, we can’t always rely on two players.”

Sa kabilang banda, magsisikap ang Sta. Lucia na makuha ang elusibong panalo at maputol ang three-game losing skid sa laro na isinasaere ng ESPN5.

Wala pang natipon na panalo ang Lady Realtors dahil ang kanilang top gunner na si MJ Philips at Chin Basas ay nagpapagaling pa bunga ng natamong injuries, kaya binabalikat nina Ateneo de Manila star Jhoanna Maraguinot, Souzan Raslan at Pamela Lastimosa ang opensa ng team. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.