Search
  • BULGAR

Babala sa mga dinurugo!

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane,

Akala ko, ang mga nakukunan lamang ang niraraspa kasi dinudugo ako ng ilang araw, sobrang lakas at ang sabi sa akin, kaila­ngan daw akong iraspa para matukoy ang dahi­lan ng aking pagdu­rugo. Totoo ba ito? — Edna G.

Sagot

Ang raspa o dilatation and curettage (D&C) ay isang pamamaraan na isinasagawa upang maka­kuha ng maliit na bahagi ng laman mula sa loob ng matris. Isinasagawa ito ng mga doktor upang matu­koy at magamot ang ilang kondisyon sa matris tulad ng sobrang pagdudrugo at para malinis ang loob ng matris pagkatapos malag­lag ang ipinagbubuntis. Ginagamitan ito ng ins­tru­mentong bakal na tina­tawag na ‘curette’ na maa­aring may talim sa dulo o panghigop (suction).

Paano ba isinasa­gawa ang raspa?

Ang proseso nito ay mabilis lamang na karani­wang tumatagal ng 15 hanggang 30 minuto. Ang pasyente ay maaaring bigyan ng general anesthesia kung saan maka­katulog ito habang isina­sagawa ang pagraraspa o spinal anesthesia kung saan kalahati lamang ng katawan ang mamaman­hid. Ipinapasok ang instrumentong curette sa loob ng matris upang makakuha ng maliit na bahagi ng laman. Ang laman na nakuha ay pag-aaralan sa laboratoryo. Matapos isagawa ang pagraraspa, maaari nang dalhin sa recovery room ang pasyente habang hinihintay ang resulta.

Gayunman, maaari itong irekomenda ng doktor kung mayroong abnormal na pagdurugo sa matris o para matukoy ang ilang kondisyon sa matris tulad ng kanser, pagtubo ng mga polyps at pangangapal ng mga gilid ng matris. Gayundin, para maiwasan ang impeksi­yon at patuloy na pagdurugo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.