top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Ang Marvel Comics legend na si Stan Lee ay pumanaw na sa edad 95

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2018
1 min read

MARAMING nalungkot sa pagkawala ng Comic book superhero creator na si Stan Lee na pumanaw sa edad na 95.

Siya ay isinilang bilang Stanley Martin Lieber sa New York, noong Disyembre 28, 1922, na nagmula sa Romania.

Sa edad na 17, siya ay naging isang errand boy sa Timely Comics.

Nakuha niya ang trabaho sa tulong ng kanyang tiyuhin, ayon sa autobiography ni Lee na "Excelsior!"

Siya'y naging mamamahayag noong taong 1972 at nagtungo sa Los Angeles noong 1980. Doon n'ya nahanap ang pagkakataon para sa kanyang mga character sa pelikula at telebisyon.

Ayon naman sa mga analyst sa box office, ang dose-dosenang mga pelikula ng Marvel Comics, na halos lahat ng mga pangunahing character na nilikha ni Lee, ay ginawa noong unang mga dekada ng ika-21st century, na tumaas ng higit sa $20 bilyon sa mga sinehan sa buong mundo.

Si Spider-Man ay isa sa mga pinaka kilala at matagumpay na lisensiyadong character na ginamit bilang isang higanteng float o balloon sa Macy's Thanksgiving Day Parade sa New York.

Maraming salamat, rest in peace, Comic book superhero creator Stan Lee.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page