Search
  • BULGAR

Aktor, nakukunsensiya raw… SIGAW NI ALDEN: STAFF NG SERYE NIYA, WALANG MAKAIN AT MATULUGAN

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAKING

HANGGANG ngayong Biyernes (Nov. 16) na lang ang Victor Magtanggol at ma­sa­­yang malungkot ang bidang si Alden Richards sa pagtatapos nito. Masaya dahil napakarami niyang napasayang mano­nood especially ang mga bata na talaga namang gabi-gabing inaabangan ang serye.

Malungkot dahil siyempre, maghi­hi­­wa-hiwalay na sila ng cast and staff na parang naging pamilya na rin niya.

Isa nga raw sa pinakanatutunan niya ay ang pakikibagay sa mga tao sa produksiyon, ke maliit o malaki.

“Like for example po, ‘pag suot ko ‘yung costume na napakainit, na nagsu-shoot ako sa arawan, ‘pag ‘andu’n na ‘ko sa moment na parang gusto ko nang magreklamo na parang hindi na maganda sa pakiramdam ‘yung costume, iisipin ko na lang na ‘yung mga nagse-set-up na gapper, nasa initan, arawan, walang tent na nagse-set-up.

“Na ako, may aircon tent, meron akong upuan na nare-recline, may pagkain, sila, wala nu’n. Talents na kung saan-saan lang natutulog po ‘pag hindi sila kailangan, kani-kanyang latag. So, ‘yun ‘yung isa sa mga bagay po na natutunan ko rito na bago ako magreklamo, titingin muna ako sa paligid ko kung worth it bang magreklamo,” pahayag ni Alden.

Pagkatapos ng VM ay magbaba­kasyon muna ang aktor sa US ngayong Disyembre kasama ang pamilya.

“Magpapahinga lang po ako for a couple of months, magbabakasyon po kami ng family.”

Next year ay baka raw pelikula muna ang gawin niya sa first quarter at baka 2nd quarter pa ang panibagong teleserye. Kung sakali ay gusto naman daw niya ulit bumalik sa drama since action and fantasy itong VM.

Gusto rin ni Alden na i-try ang indie film dahil never pa siyang nakagawa nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.