Search
  • Jeff Tumbado

4 niratrat sa videoke bar, utas

APAT katao ang nasawi makaraan ang walang habas na pamamaril ng dalawang lalaki sa loob ng isang vide­oke bar sa Lal-lo sa Cagayan Valley, kahapon.

Patay na nang datnan ng mga awtoridad sina Eugene at Princess Javier, mag-asawa at ang mag-live-in partner na sina Ramsey at Michaela Javier, may-ari umano ng Starbabe Videoke Bar.

Batay sa inisyal na ulat, pasado ala-1:00 ng madaling-araw nang dalawang hindi pa natutukoy na kalalakihan na kapwa armado ng baril ang pumasok sa videoke bar at biglang kinompronta ang grupo ng biktima bago sila isa-isang pinagbabaril ng mga ito.

Inaalam pa ng mga aw­toridad ang motibo sa krimen kabilang ang anggulong love triangle.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.