top of page
Pokwang.jpg

Zipper ni: Wiggles

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2018
1 min read

Tahimik dito sa sasakyan,

sa apat na gulong kung saan ang magkabilang gilid ay punuan.

Iba’t ibang mukha na may sariling patutunguhan.

Diyos ng katahimikan dito ang naghahari

at makina’t buga ng usok lang ang siyang tanging may sinasabi.

Ngunit, kung minsan ang Diyos ay may kahinaan

dahil mga mortal sa loob ay mayroon ding kapangyarihan.

Hindi man bukas ang bibig, binabagyo naman ang isipan

ng mapaglarong imahinasiyon na nabahiran ng kadungisan.

Magpupumilit kumawala sa munti niyang kulungan

at maghahasik ng lagim sa karatig na inuupuan.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page