Search
  • BULGAR

Worried sa pabalik-balik na UTI

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane,

Ako ay 37 years old at may 2 anak. Ilang buwan nang nakalipas ay nagkaroon ako ng impeksiyon sa aking ihi, gayunman, umiinom lang ako ng maraming tubig dahil mahal ang mga antibiotic. Makalipas ang ilang linggo nararanasan ko ulit ang hirap sa pag-ihi kaya naisip ko na baka bumalik ang aking UTI. Bakit kahit nawala na ang sintomas ay bumabalik pa rin ito at ano ang dapat kong gawin? — Maricor

Sagot

Ang UTI ay impeksiyon sa kahit anong bahagi ng urinary tract ng tao tulad ng kidney, urinary bladder at urethra. Ito ay dulot ng mikrobyo tulad ng E. coli.

Chronic o recurrent UTI ang tawag sa pabalik-balik na sakit. Nangyayari ito kapag hindi lubos na nasugpo ang impeksiyon ng mikrobyo. Maaari ring may “anatomical problem” tulad ng kidney stones kaya pabalik-balik ito.

Gayundin, puwedeng hindi maayos ang naging pag-inom ng gamot o naging resistant na ang mikrobyo sa gamot kaya nawawalan na ng bisa ang pag-inom ng antibiotic.

Ayon sa urologist, may mga grupo ng UTI na tinatawag na “complicated UTI” o UTI na hindi basta nagagamot ng karaniwang antibiotic.

Sa ganitong impeksiyon, kailangan nang gumamit ng mas mataas na kalidad ng antibiotics.

Narito ang mga dapat tandaan para maiwasan ang pabalik-balik na UTI:

  • Huwag magpigil ng ihi.

  • Uminom ng dalawa hanggang tatlong litrong tubig, araw-araw. Maaari rin ang buko juice at cranberry juice.

  • Umiwas sa maaalat na pagkain.

  • Gumamit ng cotton underwear para hindi makulob ang mikrobyo.

  • Gumamit ng lubricant sa pakikipagtalik at umihi agad matapos ang sexual contact.

  • Regular na magpa-ultrasound at pap smear.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.