Search
  • BULGAR

UMAAPOY ANG LARO NG DAVAO AT SAN JUAN SA MPBL DATU CUP


UMINIT ang laro ng Davao Occidental sa MPBL Datu Cup habang nagbalik sa panalo ang San Juan nang talunin ang kani-kanilang karibal noong Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Arena.

Tinalo ng Tigers ang Navotas Clutch, 72-59, upang mapalawig ang winning streak sa walo. Umibayo ngayon ang team sa win-loss record na 10-3, ikalawa sa likod ng southern division leader Muntinlupa Cagers.

Ang depensa na rin ang pinakamalaking kaibhan sa panalo ng Tigers nang kontrolin ang Clutch sa 35-percent shooting. Ang Knights na suportado ng Go-For-Gold ay nagbalik sa winning track makaraan ang ilang laro sa Bataan Risers-Zetapro. Umibayo ang San Juan sa kanilang win-loss mark sa 11-3, ikatlo sa mga astig na northern division ng torneo.

Samantala, nagpasya ang MPBL na buksan ang one week trading period para sa teams na nais ayusin ang kanilang mga line ups para sa darating na playoffs.

Inaprubahan ito sa pulong nina league founder Senator Manny Pacquiao at MPBL Commissioner Kenneth Duremdes. Simula ngayon hanggang sa susunod na Linggo, Nob. 18, ang teams ay puwede nang magkaroon ng trade transactions.

Nagpasya na rin ang liga na balewalain ang huling panalo ng Mandaluyong kontra Quezon City na nag-file ng protesta laban sa El Tigre nang palaruin si Ronjay Buenafe na hindi bahagi ng nakaraang roster.

Nangyari ito nang iutos ni Commissioner Duremdes na i-replay ang laban sa huling bahagi ng buwan na ito habang hindi pina­payagan si Buenafe na maglaro sa ongoing MPBL Datu Cup. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.