Salvage victim natagpuan
Pabs Hernandez III
Nov 12, 2018
1 min read
CAMARINES SUR—Isang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan, kamakalawa sa bulubunduking lugar sa bayan ng Ragay sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Orlando Mates, residente ng nasabing bayan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may dalawang tama ng bala sa katawan sa nasabing lugar.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.





Comments