top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pulis binentahan | TANOD NA TULAK, TIKLO

Maeng Santos
Nov 12, 2018
1 min read

DALAWA katao kabi­lang ang barangay tanod na nasa drug watchlist ang na­aresto matapos magbenta ng shabu sa pulis sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang mga naaresto na sina Minador Cunanan alyas Ding, 49, ng Bgy. Malinta at Ariel Alavata, 24, ng Bgy. Bignay.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Randell Adora, alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PCI Jo­wilouie Bilaro sa koordinas­yon sa PDEA at PCP-4 ang buy-bust operation kontra Cunanan sa Pinagpala St.

Nagawang makapag­tran­saksiyon kay Cunanan ng isang plastic sachet ng shabu ng undercover police kapalit ng marked money at nang magkaabutan, agad lu­musob ang mga nakaanta­­bay na operatiba at sinung­ga­ban ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 14 plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hini­hinalang shabu, isang plastic sachet na naglalaman ng ilang piraso ng aluminum foils, P2,200 cash, buy-bust money, sling bag, coin purse at bgy. tanod ID ni Cunanan.

Ayon sa pulisya, nasu­sunog ang mga operasyon ng mga operatiba dahil si Cunanan ang may kontrol umano sa mga drug pusher at sa CCTV sa kanyang bi­nabantayang barangay out­post.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page