Search
  • BULGAR

Para sa mga bro nating ready ng bumuo ng family, read n’yo ‘to, dali! MANI, KERING MAKA-BOOST NG FER

Jersey Sanchez / Gulat ka 'noh?!

ANG mani ay ki­lala bilang snack o finger food. Pero, alam ba ninyo na nakatutulong ito sa pagbu-boost ng fertility ng mga kalalakihan?

Isang pag-aaral ang isinagawa sa Paris kung saan 119 kalala­kihan ang inobserba­han na nasa edad 18 hanggang 35.

Hinati sa dalawang grupo ang mga ito, ang isang grupo ay di­nagdagan ng 60g ng al­mond, hazelnut at walnut ang kanilang regular diet sa loob ng dalawang ling­go, samantalang, ang isa naman ay walang idinag­dag.

Pagkatapos ng dala­wang linggo, isinagawa ang sperm count sa mag­kabilang grupo. Nakitaan ng improve­ment sa hugis, pagkilos at bilis ng semilya ang grupong kumain ng iba’t ibang klase ng mani, gayundin, nabawasan ang DNA fragmen­tation na nakapagdudulot ng damage sa semilya nila habang wala namang pag­­­babago sa sperm count ng kabilang grupo.

Ayon sa mga resear­cher, naging consistent ang resulta ng pag-aaral na ang sperm ay maaaring mag-improve kapag ang lalaki ay regular na ku­makain ng mani sapag­kat ito ay nagtataglay ng mga bitaminang Omega-3, zinc at folate.

Kaya ang payo ng mga eksperto sa mga la­laking bet nang makabuo ng baby, sabayan ng healthy lifestyle ang regular na pagkain ng mani upang mas ma­ging maganda ang re­sulta ng dami ng in­yong semilya.

Oh, ‘di ba, hindi lang basta-basta pampulu­tan ang mani? May na­idudulot din itong ma­ganda sa fertility ng mga kalalakihan.

Kaya naman kung nais mong mapaganda pa ang iyong sperm count, bro, regular na kumain ng mani at sa­bayan mo ito ng healthy life­style. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.